PART 3: ANG LIHIM NA PAGTATAKSIL AT ANG PAG-AMIN NI KEVIN

Hindi na siya panay ang Sir Kev. Nakatayo lang siyang tahimik. Ang isang

kamay ay nasa strap ng bag niya. Ang isa ay nakahawak sa bukong-bukong

niya kunwari.

Pero napansin kong nung akala niyang walang nakatingin na ibababa niya

ng maayos ang paa niya ng walang sakit, hindi ako agad nagsalita dahil

hindi naman ganoon kahalaga ang kunwaring pagkadapa niya kumpara sa mga

nangyayari. Pero mukhang si Rina na mismo ang gumawa ng desisyon para sa

akin.

Umatras siya at may ibinulong sa babae sa tabi niya bago naglakad

papunta sa pinto. Rina, tinawag ko siya. Tumigil siya pero hindi agad

lumingon. Saan ka pupunta? Dahan-dahan siyang lumingon at pilit na

pinanormal ang boses. Pupunta lang po akong ospital. Masakit pa rin po

ang paa ko.

Tumingin ako sa paa niya. Kanina nakakalakad ka naman ng maayos ha.

Napakunot noo siya. Siguro nung una po ay manhid pa pero ngayon masakit

na talaga. Kung magpapa-checkup ka hindi kita pipigilan. Pero bago ka

umalis, gusto kong linawin mo muna ang paratang mo sa tatay ko.”

Lumingon sa akin si Kevin. “Mina, tama na! Tapos na ’yan.” “Hindi, hindi

pa tapos.” Sagot ko ng hindi sumisigaw. Sinabi ni Rina sa harap ng buong

party na hinarang ng tatay ko ang paa niya. “Gusto kong linawin niya

ulit iyon ngayon.” Kinagat ni Rina ang labi niya. “Nagulat lang po ako

kanina.

Baka hindi ko po nakita ng maayos kanina. Hindi ka gumamit ng baka.

Sinabi mong tiyak na hinarang niya. Pero natumba po talaga ako doon. Ang

pagkatumba mo ay iba sa kung may nangharang sa’yo. Sagot ko. Mas

maraming tao ang lumingon kay Rina na ngayon ay halatang namumutla na.

Ate Mina, anong gusto mong mangyari? Nasaktan na nga ako. Depensa niya.

Gusto ko lang ang totoo. Kung hinarang ng tatay ko ang paa niya, pwede

nating i-check sa CCTV ng hotel. Kung hindi niya naman ginawa, kailangan

mong bawiin ang sinabi mo sa harap ng mga taong nakarinig kanina.

Pagkarinig sa salitang CCTV, nan nahimik siya. Lumingon sa kanya si

Kevin. Rina, Sir Kev. Nag-aalangan niyang sabi. Hindi ko naman po 100%

sinabing sinadya ni Tito. Baka po dahil may basket doun. Hindi ko rin

sigurado pero sinabi mong iniharang niya diin ko kahit hindi nakataas

ang boses ko.

Narinig yon ng mga tao rito. Tumingin si Rina kay Kevin para humingi ng

tulong pero hindi agad sumagot si Kevin pabor sa kanya. Tinitigan siya

ni Kevin ng mas matagal kaysa sa normal. Rina, ano bang totoo? Nairita

na si Rina. Sir Kev, bakit ako ang ginigisa ninyo? Ako na nga ong

natumba.

Hindi ko sinabing kasalanan mo. Tinatanong ko kung iniharang ba ng tatay

ni Mina ang paa niya o hindi nang agat labi si Rina. Hindi ko po

sigurado. Apat na salita lang iyon. Pero nakita ko ang pagbago ng

ekspresyon sa mga mata ni Kevin.

Siguro hindi pa rin siya sigurado kung nanadya si Rina pero napatunayan

niyang nanampal siya ng asawa base lang sa paratang na kahit ang

nagsalita ay hindi mapanindigan. Tumingin si tatay kay Kevin at

nagtanong ng mabagal. Kanina nung pinaratangan mo ako, tinanong mo ba

muna ako kung totoo hindi?

Hindi sumagot si Kevin kaya dinagdag pa ni tatay. Bago mo sinampal ang

anak ko, tinanong mo muna ba siya? Ang katahimikan niya ang nagsilbing

sagot. Hindi na nagdagdag ng insulto si tatay. Sinabi niya lang,

“Tandaan mo ang pakiramdam mo ngayon.

Sa susunod na maniwala ka sa isang tao dahil lang iyon ang gusto mong

paniwalaan, sana mag-isip ka muna.” Sa unang pagkakataon, umiwas ng

tingin si Kevin kay tatay. Nang makita ni Rina na pabor sa kanya ang

sitwasyon, tinaas niya ang bag niya. “Kung wala na po kayong kailangan.

Mauuna na po ako.

Tiningnan ko ang mesang pinanggalingan niya kanina. May isang boteng

mamahaling wine doon na siya mismo ang nag-order bago ang insidente.

Pwede kang umalis, sabi ko. Pero bago yun, tatanungin kita. Ang ginastos

mo ba ngayong gabi ay charge sa kumpanya o personal na gastos ni Kevin?

Napatigil siya.

Paano ko po malalaman? Eh si Sir Kev po ang nag-organize nito kasi

marami sa mga orders. Ikaw ang pumirma bilang secretary niya. Trabaho ko

po maging coordinator. Kung ganun, nasa iyo siguro ang ibang resibo.

Sagot ko, naninigas na rin ang boses. Hindi kita pinapabayad.

Gusto ko lang tigilan mo ang pag-arte na parang wala kang alam. Pahingi

ako ng kopya ng lahat ng orders na pinirmahan mo. Simula bukas,

ive-verify ko kung anong gastos para sa event, kung ano ang naging

personal expenses, at kung saang account galing ang ipinambayad. Agad na

sumingit si Kevin.

Mina, ako na bahala sa kwentahan yan. Tiningnan ko siya. Kung pera mo

yan, hindi ako mangialam. Pero kung kinuha sa joint account nating

dalawa, may karapatan akong malaman. Tumahimik siya agad. Nakita kong

nagkatinginan sila ni Rina at ang kaba sa mga mata ng sekretarya niya ay

hindi na maitago.

Malamang naisip niya na hindi pala ako isang asawang bahay lang na

walang alam gaya ng kinukwento sa kanya ni Kevin. Sa nakalipas na

tatlong buwan, patago kong kinokolekta ang mga bank statements,

nililista ang mga kahinah-hinalang transactions at tinatabi ang mga

dokumento.

Hindi para maghanap ng mali bawat minuto kundi dahil isang araw,

napansin ko na lang na may malaking halaga na nawala sa joint savings

namin. Perang itinabi namin para sa future ng pamilya namin. Nang

tanungin ko siya noon, ang sabi niya, “Pinaiikot ko lang sa negosyo.

Babalik ko rin yan next month.

Pero hindi na bumalik at marami pang sumunod.” Kanina hindi ko pa alam

kung saan napupunta lahat ng pera. Ngayong gabi, naging malinaw na sa

akin na ang sagot ay nasa harap ko lang. Bumalik ulit ang hotel manager.

Pasensya na po, Mr. Kevin.

Kung kailangan ninyo pa ng oras, pwede pong mag-issue ang hotel ng

billing statement na kailangan bayaran ngayong gabi. Ngunit kailangan po

namin ng malinaw na guarantee of payment bago tayo mag-close. Tiningnan

ni Kevin ang relo niya at huminga ng malalim.

Magta-transfer ako ng partial payment at aasikasuhin ko ang balance

ngayong gabi. Tumango ang manager. Hindi siya nanlait o naging bastos.

Ginagawa niya lang ang trabaho niya ngunit ang pagiging pormal na iyon

ay mas nagpabigat sa dibdib ni Kevin dahil wala siyang pwedeng sisihin

na naninira sa kanya. Naglakad siya ng bahagya palayo sa amin at may

tinawagan sa phone.

Narinig kong sinabi niya, “Pre, baka pwede mong i-transfer sa akin muna.

Ibabalik ko bukas ng umaga.” Tapos tahimik. Hindi. Wala akong problema.

Nagloko lang talaga ’yung bank system. Pinipilit niya pa ring panindigan

ang imahe niya kahit sa telepono.

Hindi ko alam kung anong sinabi ng kausap niya pero ibinaba niya ang

phone na mukhang bigo. Tumawag siya sa isa pa. Ganun din ang nangyari.

Ang iba nagdadahilan. Ang mga taong dati rati ay unang sumasagot sa

tawag niya ay sabay-sabay nagkaroon ng excuse ngayong gabi.

Tiningnan iyon ni Rina at nagmadaling lumapit sa pinto. Nakita siya ni

Kevin at tinawag, “Rina, saan ka na naman pupunta?” Bumuntung hininga si

Rina. Halatang nauubusan na ng pasensya. “Sir Kev, nasasaktan na nga ako

at saka pampamilyang gulo niyo na po ito.

Wala na rin naman po akong maitutulong kung manatili ako rito. Kanina

lang. Sabi mo sasamahan mo ako hanggang sa matapos ang party. Kanina po

wala pang ganitong gulo. Masyadong mabilis niyang nasagot iyon kaya

napagtanto niya ang mali at sinubukang bawiin.

Ang ibig kong sabihin, hindi pa gaanong masakit ang paa ko. Pero malinaw

na sa lahat ang totoo niyang ibig sabihin. Tinitigan siya ni Kevin ng

masama. Anong gulo, kumagatlabi si Rina? Sir Kev, huwag niyo akong

hanapan ng butas. Hindi naman po ako ang bumawi ng bahay ninyo.

Hindi ako ang umalis sa inyo sa proyekto. At hindi ako ang nag-decline

ng cards ninyo. Kayo ang nagsabi na hinarang ng tatay ni ate Mina ang

paa ko. Sinabi ko naman na baka nagkamali lang ako. Tumaas ang boses

niya ng hindi sinasadya kaya tumahimik ulit ang paligid.

Tiningnan siya ni Kevin na parang ngayon niya lang nakita ang tunay na

kulay ng babaeng ito. Wala akong naramdamang saya sa nakita ko. Lungkot

lang,

isang asawang lalaki na handang saktan ang sarili niyang asawa para

protektahan ang isang babae na ilang minuto lang pagkatapos magkagipitan

ay handa agad siyang iwanan. Tinapik ni tatay ang likod ng kamay ko.

Senyales na huwag na akong magsalita. Lumingon si tatay kay Warren.

Lahat ba ng kailangan ipaalam ngayong gabi ay naibigay na? Opo. Para sa

mga urgent na usapin. Ipagpapatuloy ko ang pag-check ng mga dokumento sa

proyekto bukas. Sagot ni Warren. Gawin mo ng tama. Huwag tayong aakusan

ng wala sa dokumento. Sabi ni tatay bago lumingon kay Anton. Ganoon din

sa bangko.

Ibigay kung anong kanya at i-check lahat ng sakop ng guarantee ng

kumpanya. Opo, sagot ni Anton. Nakita ko si Kevin na napakuyom ang mga

kamao. Malamang gusto niya sanang marinig kay tatay ang salitang itigil

niyo na yan pero walang ganoong nangyari. Humarap siya sa akin.

Mina, tatayo ka lang ba diyan at papanoorin to? Titingnan mong gumuho

ang lahat ng pinaghirapan ko. Tumahimik ako ng saglit bago sumagot. Kung

ikaw mismo ang naghirap para Rian, hindi yan guguho. Dahil lang kinuha

pabalik ng tatay ko ang sa kanya, napalunok siya.

Nasasabi mo yan kasi nandiyan ang tatay mo para suportahan ka. Ang mga

salitang iyon ay hindi nagbigay sa akin ng galit kundi matinding pagod.

Sa nakalipas na s taon, Kevin, hindi lang ako ang sinuportahan ng tatay

ko. Tumahimik siya. Nagpatuloy ako.

Ang pinagkaiba lang, hindi ko inangkin ang ibinigay ng tatay ko para

ipagmalaking sarili kong galing. Sumingit si Maria. Mina, huwag mo n

dagdagan ang bigat na nararamdaman ni Kevin. Na-stress na nga yung anak

ko. Tumingin ako sa biyenan ko.

Nung basang-basa ng wine ang tatay ko, tumatawa pa kayo ma. Hindi ba

na-stress ang tatay ko non? Namutla si Maria at natahimik. Hindi ko na

pinahaba ang usapan dahil wala na ring saysay kung babalikan ko ang

bawat pangit na salitang binitawan nila. Sapat na ang nangyari.

Ain ko na sana si tatay na umuwi nang biglang nag-vibrate ang phone ko.

Notification iyon mula sa bangko tungkol sa joint account naming

mag-asawa na naka-link sa phone ko. Ngunit nang makita ko ang pangalan

sa isang old transaction na nai-flug sa system, nanigas ang mukha ko.

Hindi ko na kailangang basahin pa ng paulit-ulit. Rina Villanueva,

nag-scroll down pa ako para tingnan ang detalye. Hindi lang isang

transaksyon. Maraming pera ang nai-transfer sa kanya noong mga nakaraang

buwan mula libang libo at may mas malalaki pang amount na inilabas bago

nito.

Napansin ni Kevin ang pagbabago ko kaya nagtanong siya. Anong

tinitingnan mo? Tumingala ako kay Kevin at lumipat ang tingin ko kay

Rina na paalis na sa pinto. Wala. Malamig kong sagot bago i-lock ang

screen ko.

Hindi ito ang tamang oras para mang akusa dahil gusto kong makita ng buo

ang lahat ng bank records bago ako magsalita. Ngunit isang bagay ang

luminaw sa isip ko. Ang problema sa kasal namin ay hindi lang nagtatapos

sa paglandi ng asawa ko sa secretary niya.

Umabot ito sa perang pareho naming pinaghirapan. Nakatingin si Rina sa

akin. Kinakabahan. Tinawag ko siya ulit. Rina. Napahinto siya. Bukas

kapag tinawagan kita, sagutin mo. Kitang-kita ko ang pamumutla niya.

Bank transactions. Kung walang kinalaman sao, hindi ka dapat kabahan.

Sagot ko.

Agad na lumapit si Kevin. Mina, anong tiningnan mo sa phone mo? Ibinalik

ko ang phone sa bag ko. Mga bagay na may karapatan akong makita. Huwag

mo naman akong itrato na parang kriminal. Wala akong sinabing kriminal

ka. sagot ko. Tinitigan niya ako.

Ang kaba at gulat sa kaniang mga mata ay mas matindi kaysa kanina noong

inaakusahan siya ng tatay ko. Lalo lang nitong kinumpirma ang hinala ko

na may itinatago talaga siya na ayaw niyang malaman ko.

Bumalik ang hotel manager at ipinaalam na ang unang transfer na ginawa

ni Kevin ay na-process na at hihintayin nila ang balanse ayon sa

napagkasunduan, tumango si Kevin. Halos hindi na makatingin sa kahit

kanino.

Ang lalaking kanina lang ay masayang nagkwekwento tungkol sa kanyang

matagumpay na buhay ay naglahon na at ang naiwan ay isang taong halos

mag-iba dahil sa sunod-sunod na pagkakamaling hindi niya matakasan.

Lumingon sa akin si tatay. Tiningnan ko si Kevin.Chế độ xem hình ảnh chỉ

có thể xem

Tinitigan niya ako na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya

alam kung paano. Bumaling ako kay tatay. Sige po tay. Pero dadaan muna

ako sa bahay para kunin ang mga personal na gamit ko at dokumento.

Nanigas ang mukha ni Kevin. Anong ibig mong sabihin?

Ibig sabihin, kukunin ko ang mga gamit ko. Lilipat ako. Mina, isa lang

ang naging away natin. Gusto mo agad palakihin ito? Tiningnan ko siya at

nakaramdam ako ng kakaibang kapayapaan sa loob ko.

Pero para sa akin, ito ang gabing gumising ako mula sa lahat ng mga

panloloko mo na pilit kong binubulag-bulagan. Umiling siya. Nagpadala ka

lang sa emosyon mo. Kung nadala ako sa emosyon ko, baka sinigawan at

inaway na kita kanina pa nung sinampal mo ako. Sagot ko. Ngayon, hindi

ko gustong sumigaw.

Gusto ko lang kunin ang mga gamit ko at mga papel ko. Bukas na tayo

mag-usap pagkatapos kong makuha ang kumpletong bank statements. Gustong

umangal ni Kevin. Pero nung makita niyang nasa tabi ko ang tatay ko,

nilunok niya ang sasabihin niya.

Napansin ni Rina na walang may pakialam sa kanya kaya tahimik siyang

naglakad palabas. Hindi ko na siya pinigilan. Ang kailangan ko mula sa

kaniya ay hindi pag-amin sa harap ng mga tao kundi paliwanag na sasagot

sa mga numero sa bank accounts.

At ang numero ay kailan man hindi nababago ng kahit anong iyak o

palusot. Bago kami lumabas ng banket hall, sumulyap ako sa huling

pagkakataon sa loob. Puno pa rin ang pagkain ng mga lamesa. Maganda pa

rin ang mga ilaw at propal rin ang mga waiters.

Pero walang kahit anong marangya roon para sa akin. Natutunan ko ngayong

gabi na ang mamahaling gamit ay hindi nagpapataas ng halaga ng isang tao

at ang posisyon ay hindi nagiging mas malakas kaysa sa katotohanan.

Nakatayo pa rin si Kevin sa gitna.

Napapalibutan ng maraming tao ngunit walang niisa na totoong handang

tumayo sa tabi niya. Sumabay ako kay tatay sa paglabas habang

nanlalambot pa ang pisngi ko sa sampal dala ang aking phone na may

nakatagong ebidensya. Hindi ko alam kung saan aabot ang lahat pero

iisang bagay ang alam ko.

Hindi na ako matutulog katabi ang lalaking iyon at magkukunwaring maayos

ang lahat. At baka hindi pa alam ni Kevin na ang pinakamahalagang nawala

sa kanya ay hindi ang bahay, sasakyan o credit limits kundi ang 10 taong

tiwala na kahit magkano ay hindi na mabibili habang nasa biyahe pa

Alabang.

Tahimik lang ako. Hindi nagtanong si tatay kung anong nararamdaman ko.

Hindi niya sinabing magpakatatag ako at hindi siya nagsabi ng mga

salitang pampalubag loob na parang madaling lampasan ang lahat. Umupo

lang siya sa tabi ko at hinayaan akong mag-isip.

Umapoy pa rin ang pisngi ko dahil sa sampal pero ang sakit niyon ay

patuloy na lumiliit kumpara sa mga numerong nakita ko sa bank statement

bago umalis ng event. Ang pangalan ni Rina ay paulit-ulit na lumitaw na

imposibleng aksidente lang.

At ang mas nakakagulat na nagpakalma sa akin ay wala akong maramdamang

pagnanais na umiyak o sigawan si Kevin. Gusto ko na lang makita ng

kumpleto ang lahat ng dokumento kasi sa nakalipas na 10 taon, sinubukan

ko siyang intindihin base sa pakiramdam ko.

Ngayong gabi, kailangan kong gumamit ng ebidensya. Pagpasok ng sasakyan

namin sa subdivision sa Alabang, halos 12 na ng madaling araw. Bukas pa

ang mga ilaw ng malaking bahay dahil inutusan ni Maria ang dalawang

kasambahay na hintayin siya. Sinabihan ko ang mga maid na huwag magtaka.

Kukunin ko lang ang mga damit ko at ilang dokumento. Hindi sumunod si

tatay sa itaas. Naghintay lang siya sa sala na parang ipinaparating na

kailangan ko itong ayusin ng mag-isa. Binuksan ko ang isang maliit na

filing cabinet sa likod ng bookshelf.

Kinuha ko ang passbooks, bank statements, insurance contracts, tax

documents at ang mga folders na kinolekta ko sa nakalipas na tatlong

buwan at inilatag ang mga ito sa kama. Narito ang lahat ng ebidensyang

naisip ni Kevin na hindi ko papansinin.

Dahil simula ng ikasal kami, ako na ang tagahawak ng budget. Kahit nong

mga nakaraang buwan ng palitan niya ang pass code ng phone niya, itinago

ang ibang papeles at sinabing huwag ko n pakialaman ang pananalapi niya.

Nakikita ko pa rin kung ano ang lumalabas mula sa joint account na

nakapangalan sa aming dalawa. Sinimulan kong tingnan ang bawat detalye.

May Php400,000 na sumunod kinabukasan na may maikling note na para sa

gamit.

May isa pang PH600,000 na lumabas bago sinabi ni Kevin sa akin na

ipinambayad daw sa project negotiations. Ngunit ang pinakamabigat ay ang

Php3,000 na inilipat mula sa family savings account namin papunta sa

personal account niya.

At tatlong araw lang makalipas ay hinati sa dalawang transfers papunta

sa account ni Rina. Matagal akong napatitig doon. Ang perang iyon ay

hindi nanggaling kay tatay o sa kumpanya o sa ibang tao. Perang

ipinundar namin pareho. Ang kalahati ay mula sa mga naipon ko.

Ang kalahati ay mula sa mga returns ng investments na inasikaso ko

pagkatapos naming ikasal. Malinaw ang usapan namin noon na itatabi iyon

bilang emergency fund ng pamilya. Nung tinanong ko siya kung saan

napunta ang milyong piso, ang sagot niya, “Iot ko muna sa proyekto.

Babalik ko in two weeks.”

Lumipas ang halos dalawang buwan. Walang bumalik. Kinuha ko ang phone

ko. Kinunan ulit ng picture ang bawat pahina para makasiguro. Tapos

nilagay ang orihinal sa maliit na maleta ko. Binuksan ko ang cabinet at

kumuha lang ng mga damit na kailangan ko.

Wala akong kinuha ni isang relo, alahas o kahit anong mamahaling bagay

na binili ni Kevin. Ayokong bukas na bukas ay masabihan akong kinuha ko

ang mga gamit sa bahay dahil naghihiganti ako. Nang hilahin ko pababa

ang maleta sa sala, tiningnan iyon ni tatay. Sapat na ba yan? Tanong

niya ng maikli.

Opo, sagot ko. Hindi siya nagtanong kung babalik pa ako dahil siguro

alam na rin niya ang sagot. Bago pa man ako makapagdesisyon, palabas na

kami ng may humintong kotse sa pinto. Si Kevin at si Maria. Agad na

sumigaw si Maria pagkakita sa maleta ko. Mina, anong gagawin mo? Lalayas

ka ng bahay?

Kinukuha ko lang po ang personal na gamit ko. Kalmado kong sagot.

Sumunod si Kevin. Mas namumutla kaysa nung nasa party. Magulo ang suit

niya at ang nektay niya ay nakalawit na lang. Tiningnan niya si tatay

tapos ako. Saan ka pupunta? Ngayong gabi. Uuwi ako kina tatay.

Mina, nag-away lang tayo ng minsan. Hahantong na agad sa paglayas.

Tiningnan ko siya ng matagal. Kung iniisip mo pa rin na ang nangyari

ngayong gabi ay isang simpleng away lang, wala na akong dapat i-explain

sa’yo. Napabuntong hininga siya ng malalim at binabaan ng boses.

Okay, mali ako na sinampal kita. Inaamin ko. Sobra akong nagalit at

humihingi ako ng tawad. Pero alam mo namang magulo ang nangyari kanina.

Inakala ko kasing sinaktan ng tatay mo si Rina. Hindi ko sinadya na

saktan ka. Alam ko na hindi mo chineck kung sino ang tama at mali.

Pero pinaniwalaan mo si Rina nang hindi man lang tinatanong ako o ang

tatay ko. Pero hindi lang yan ang kailangan nating pag-usapan. Ibinaba

ko ang folder sa ibabaw ng coffee table at binuksan sa pahinang may

marka. Nang makita ni Kevin ang account numbers, nagbago ang mukha niya.

Nasaan ang 3 thousand ang libong pesos na sinabi mong paiikutin sa

proyekto. Pero nakita ko sa account ni Rina. Lumingon si Maria sa anak

niya. Anong pera? Hindi agad nakasagot si Kevin. Kinuha niya ang

dokumento. Bakit ka naghahalungkat ng account ko? Joint account natin

yan, sagot ko.

Hindi ko hinalungkat ang personal mo. Pangalan nating dalawa ang

nakalagay diyan. Ngayon sabihin mo para saan yung nasa halos apat na

milyong pisong inilipat sa kanya simula nung nakaraang buwan?

Pinaasikaso ko lang sa kanya ang ilang expenses. Anong expenses?

Ipaliwanag mo ngayon. Sabi ko.

Anong petsa? Para saan? Asan ang resibo? Nan nahimik siya ng 5 segundo.

At ’yung five segundong iyon sapat na para malaman kung wala siyang

nakahand sagot. Hindi niya inasahan na kukunin ko ang dokumento.

Hahanapin ko bukas. Hindi. Sabihin mo na ngayon kung saan napunta.

Sabi ngang para sa trabaho eh. Kung para sa trabaho, bakit ita-transfer

sa personal account ng secretary mo? Nananatiling kalmado ang boses ko.

Pero pabagal ng pabagal ang tibok ng puso ko dahil habang pilit siyang

umiiwas, lalong lumilinaw sa akin. At paano naging trabaho? ’Yung

Php200,000.

na ipinadala sa mismong birthday niya na tigilan siya. Regalo, sa client

yata yun. Ang nakapangalan ay Rina Villanueva, hindi client. Tumango

ako. Sige. Hihingi ako ng official record sa bangko at ite-trace ang

bawat transaction. Ibinagsak ni Kevin ang papel sa mesa.

Mina, hanggang kailan mo ba to palalakihin? Problema natin sa pamilya

to. Dito na natin ayusin. Bakit idadamay mo pa ang bangko, abogado at

tatay mo? Tinitigan ko siya. Ikaw ang kumuha ng pera ng pamilya bago ko

pa man sila idawit dito. Humarang si Maria sa pagitan namin.

Mina, kahit pa binigyan ni Kevin ng pera ang secretary niya, hindi iyon

rason para makipaghiwalay. Ang mga lalaking nagtatrabaho sa labas.

Normal lang na gumagastos. Bilang asawa, intindihin mo na lang.

Tiningnan ko siya. Ma, alam niyo po ba ’to bago pa man? Umiling siya

agad.

Wala akong sinabing alam ko. Ang sabi ko lang, “Huwag kang oa mag-react.

Hindi ako o ma.” Sagot ko. Tinatanong ko lang kung nasaan ang pera ko.

Bubuka pa sana ang bibig ni Maria. Pero nagsalita si tatay mula sa sofa.

Hayaan mo silang mag-usap, Maria. Agad na umurong si Maria.

Nag-ingat sa pananalita. Mang Pedro, pasensya na po kanina. Kung

napasama ang salita ko, magkamag-anak naman tayo sa loob ng 10 taon.

Huwag na sana natin palakihin ’to. Hindi tinanggap ni tatay ang sorry

niya. Natahimik si Maria. Dahil ayoko n bumalik sa dati. Itinago ko na

ang papeles sa bag.

Wala na akong balak makipag-usap ngayong gabi. Bukas ng 2:00, pupunta

ako sa opisina ni Attorney Warren. Kung gusto mo mag-explain tungkol sa

pera, doon tayo. Kasama siya bilang witness sa anumang agreement natin.

Tinitigan ako ni Kevin. Magdadala ka ng abogado para sa away mag-asawa?

Kung tungkol lang ito sa feelings, hindi ako kukuha ng abogado. Pero may

milyon-milyon sa joint account natin at mga ari-arian na kailangang

linawin. Gusto mo bang makipaghiwalay sa akin?

Hindi ako agad nakasagot dahil ngayon pa lang nabanggit ng malakas ang

salitang hiwalayan kahit matagal ko na itong iniisip. Kumuha ako ng isa

pang folder mula sa bag pero hindi ko binuksan. Bukas tayo mag-usap.

Namutla si Kevin pagkakita sa folder. Binuhat na ni tatay ang maleta ko

palabas.

Sumunod ako ng hindi lumilingon. Sa unang gabi ko pabalik sa bahay ng

mga magulang ko, hindi ako nakatulog. Hindi rin ako umiyak magdamag

tulad ng inaasahan ko. Inayos ko ang mga papeles at inilista ang mga

tanong para kay Kevin.

Natagpuan ko ang mas maraming halagang nilipat kay Rina na umaabot ng

lampas sa PHP na,000. Lahat-lahat hindi pa kasama ang 30 libong na

dumaan muna sa personal account ni Kevin. May mga resibo pa ng dalawang

beses na hotel booking sa probinsya.

Sa mga panahong sinabi niyang nasa out of town meeting siya at may mga

mamahaling bags na kailan man ay hindi dumating sa bahay ko. Hindi ako

manghuhusga agad na lahat ito ay panloloko dahil hindi naman sinasabi ng

numero kung anong eksaktong ginawa nila.

Pero ang sinasabi ng numero ay nagsinungaling ang asawa ko sa pera at

kinuha ang aming joint savings ng hindi sinasabi sa akin. Kinabukasan ng

umaga, humingi ako ng mas detalyadong statement sa bangko at ibinigay

ang kopya kay Attorney Warren para makita ang karapatan ko sa assets.

Nilinaw niya sa akin na ang desisyon sa pagsasama namin ay nasa akin.

Pero pagdating sa pera, kailangang ihiwalay kung ano ang pera ni Kevin.

ano ang sa joint account at ano ang kailangan ng imbestigasyon.

Nagpasalamat ako dahil hindi niya sinabing magsampa agad ng kaso at

kunin ang lahat.

Ipinaliwanag niya lang ang ebidensya at binigyan ako ng options. 2:00 ng

hapon, dumating si Kevin sa law office ng mas maaga ng 20 minuto. Hindi

siya nakasuot ng mamahaling suit kundi isang simpleng puting polo at

mukhang pagod. Wala si Rina pero kasama niya si Maria.

Sinabihan ko na si Warren na ayoko ng madaming tao pero nagpumilit daw

si Maria para mag-sorry. Pagkakita sa akin, agad tumayo si Maria. Mina,

naisip ko magdamag ang nangyari. Mali talaga ako kagabi at hindi ko

dapat sinabi iyon sa tatay mo. Matanda na ako at minsan madulas ang

dila.

Huwag mo na sanang damdamin, anak. Ang salitang anak na nawala ng ilang

taon ay biglang bumalik. Pinakinggan ko siya at sinabing, “Tinatanggap

ko po ang sorry niyo pero pumunta ako rito para kausapin si Kevin

tungkol sa pagsasama namin at sa pera. Agad hinawakan ni Maria ang kamay

ko.

Ang mag-asawa dapat nagbibigayan.” “Samp taon din kayong nagsama.” Mahal

ka pa rin ni Kevin. Huwag mong hayaang sirain ng isang babae lang ang

pamilya niyo. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko. Hindi lang po dahil

kay Rina ang pagkasira ng bahay natin. Ma, umupo ako. Katapat ko si

Kevin.

Nasa gilid si Warren. Kasama ang mga dokumento. Magsisimula ako sa pera.

Sabi ko. Pagkatapos kong tignan ang bank statements natin, nakita kong

Php3,000 ang inilipat mo palabas sa joint account. Tapos may iba ka pang

transfers kay Rina na ilang beses ginawa.

Gusto kong pakinggan muna ang paliwanag mo. Bumuntong hininga si Kevin.

Ang iba diyan ay regalo. Yung iba pinahawakan ko lang sa kanya para

asikasuhin ang mga personal na gastos. Personal na gastos nino.

Sa akin kung personal mo, bakit mo kinuha sa joint account natin at

hindi sa sarili mong account? Tumahimik siya. Nagpatuloy ako. Yung

Php3,000 sabi mo ibabayad sa proyekto. Pero napunta kay Rina. Bakit?

Kinuskos niya ang sariling mukha bago nagsalita ng mahina.

Tinanong ko kung bakit napunta sa kanya. Hindi kung kailan mo ibabalik.

Muling sumingit si Maria. Mina, maliit na halaga lang naman yan para sa

pamilya mo ah. Isang sulyap ko lang sa kanya ay tumigil na siya.

Napalunok si Kevin bago sumagot.

Tinulungan ko si Rina bumili ng condo kahit naasahan ko na ang ganitong

sagot. Nung narinig ko mismo sa bibig niya ay parang may dumagan na

mabigat sa dibdib ko. Magkano? Nasa Php3.5 milyong. Siya ang humingi ng

tulong at inoffer ko. Hindi niya na maituloy. Tinanong ko ulit siya ng

direkta.

May relasyon ba kayo ni Rina na higit pa sa boss at empleyado? Mina,

huwag mo namang itanong yan sigaw ni Maria. Pero itinaas ni Kevin ang

kamay niya para patigilin ang nanay niya. Tinitigan ako ni Kevin ng

napakatagal bago siya sumagot ng mahina. Oo. Akala ko iiyak ako pero

walang luhang tumulo.

Ang naramdaman ko ay halong kaluwagan at sakit dahil ang tanong na

bumabagabag sa akin sa loob ng maraming buwan ay sa wakas na sagot din

ng direkta. Gaano nakatagal? Mga pitong buwan. Nung sinabi ko sa’yo,

naaalis ako papuntang probinsya ng dalawang beses para sa trabaho. Hindi

siya makatingin.